Tuloy-tuloy pa rin ang pag-arang kada ng Orlando Magic matapos maibulsa ang ika-13 panalo ngayong season laban sa Washington Wizards, 139 – 120.
Napanatili ng bagitong si Franz Wagner ang magandang opensa katulad ng mga nakalipas nitong performance gamit ang 31 points at 6 rebounds.
Nag-ambag din ng 25 points 6 rebounds ang naging ambag ng bench na si Cole Anthony habang nalimitahan lamang sa 7 points 5 rebounds ang dating NBA top pick na si Paolo Banchero.
Nasayang naman ang 23 points 6 assists ni Kyle Kuzma, kasama na ang 22 points 5 assists ni Deni Avdija sa naging pagkatalo ng Wizards.
Mula sa umpisa hanggang sa pagtatapos ng laro, hawak ng Magic ang lead, at hindi ni minsan nakalapit ang Wizards.
Sa kabuuan ng opensa, nagawa ng Magic na magpasok ng kabuuang 51 shots. 17 dito ay pawang ma 3-pointers.
Umabot lamang sa 41 shots ang naging kasagutan ng Wizards kung saan 11 dito ay pawang mga 3-pointers.
Dahil sa pagkatalo, nabaon na ang Wizards sa 15 na pagkatalo habang hawak ang tatlong panalo.