Aasahan umano ang umaatikabong bakbakan ang magaganap sa paghaharap nina former champions Mike Tyson at Roy Jones Jr. sa susunod na buwan.
Ang paghaharap ng dalawang retired boxers ay tinaguriang exhibition fight.
Pero giit ng dalawa, nangangako raw sila na totohanan ang mangyayari.
Ang muling pag-akyat ng dalawa sa ring na edad na sa 50s ay gagawin sa Staples Center sa Los Angeles bilang main event sa Nov. 28 card.
Tampok din sa harapan ay sina YouTube celebrity Jake Paul (1-0) laban kay dating NBA dunk champion Nate Robinson para sa kanyang professional debut.
Kung maalala si Tyson ay ang unang heavyweight boxer na hinawakan ang WBA, WBC at IBF titles, habang si Jones Jr. naman ay hawak noon ang pitong record na belts.
Ang huling fight ng 54-anyos na si Tyson ay noon pang 2005 sa pagkatalo kay Kevin McBride, samantala ang 51-anyos na si Jones ay huling lumaban noon pang 2018.