-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang mag-ina matapos sagasaan ng pick up truck sa Barangay Agbot Sur, Leon, Iloilo.

Ang mga biktima ay sina Emilyn Canonero, 25; at Ezekiel, isang taong gulang.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Melchor Tolentino, hepe ng Leon Municipal Police Station, sinabi nito na naglalakad sa daan ang mag-ina kung saan tinutulak nito sa stroller ang kanyang anak ng biglang sinagasaan sila ng pick up na minamaneho ni Mark Angelo Lipa, 19, residente rin ng nasabing lugar.

Ayon kay Tolentino, sinubukan pang tumakas ng driver ng pick up ngunit naaksidente rin ito sa hindi kalayuan kung saan bumangga ang kanyang sasakyan sa tulay.

Arestado naman ang driver at dinala naman sa ospital ang kanyang sugatang kasamahan.