-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Patay ang mag-ina sa Cadiz City, Negros Occidental matapos malunod sa dagat sa Sitio Banca, Barangay Tiglawigan kahapon ng umaga.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Bacolod, napag-alaman na pumunta sa dagat si Melanie Juanico Alo, 39-anyos, kasama ang apat nitong anak na mga menor-de-edad upang maligo.
Pagkalipas ng ilang oras, umuwi ang tatlo nitong anak at nagsumbong sa kapatid ni Melanie na si Perlina Caballero na muntik na silang malunod.
Agad namang humingi ng tulog si Caballero sa mga kapitbahay at tumawag ng rescue.
Nang makarating sila sa lugar, unconscious na si Melanie at ang 11-anyos na anak nitong si Mary Grace.
Dinala pa ang mag-ini sa ospital ngunit dineklara nang dead-on-arrival.