-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Natukoy na ng militar ang identity ng pito sa sampung pinaghinalaang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) na kinabilangan ng mag-asawang kapwa official ng kilusan na unang napaslang ng military aerial at ground offensives sa Malaybalay City,Bukidnon noong madaling araw ng Pasko.

Sinabi ni 4ID,Philippine Army spokesperson Maj. Francisco Garello Jr na kinilala ang mag-asawa na sina Beverly Sinunta alyas Ayang na tumatayong secretary at Alfredo Banawan alyas Alab na nagsilbi rin deputy secretary ng Sub-Regional Committee-2 (SRC2), Headquarters Loader and Regional Sentro De Gravidad (RSDG) Compaq na lahat sakop ng North Central Mindanao Regional Committee.

Maliban sa mag-asawang CPP-NPA officials,kabilang rin sa nasawi ang kanilang anak na si Chenchen Banawan alyas Pao na lahat nagmula sa Sitio Trukat,Barangay Cawayan,Quezon,Bukidnon.

Tinukoy rin ng dating mga NPA rebels ang ibang nasawi na sina Penita Singaman alyas Pening,Bebot Solinay; Aurellio Gonsalez na lahat taga-Bukidnon at isang Loue na nagmula naman sa Agusan province.

Magugunitang nabawian rin ng halos 10 matataas na mga baril ang mga nasawing mga rebelde nang magsagawa na ang militar ng follow-up operations sa encounter sites.