COTABATO CITY – Kinaladkad at binawian ng buhay ang dalawang senior citizen ng mabangga ng bus sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Gurry Kalugay at Zalika Gudal-Kalugay, tinatayang nasa 70-anyos at kapwa mga residente ng Barangay Tual, Paglat, Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial director Colonel Christopher Panapan na lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo at pagsapit nito sa tulay ng Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao ay nabangga ito ng kasalubong na Yellow bus line.
Pumailalim at kinaladkad ng bus ang mag-asawa kaya on the spot na nasawi si Lolo Gurry nang magkalasog-lasog ang katawan habang dead on arrival sa Buluan District Hospital si Lola Zalika.
Agad namang sumuko ang driver ng bus sa mga pulis sa bayan ng Buluan.
Bago nangyari ang aksidente ay magkasama ang mag-asawa sa Buluan para tanggapin ang perang pinadala sa kanila ng kanilang anak galing abroad.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Buluan Municipal Police Station sa naturang pangyayari.










