-- Advertisements --
Nagpahayag nang suporta si Senate President Pro-Tempore Ralph Rector at asawa nitong si House Deputy Speaker Vilma-Santos Recto kay Manila Mayor Francisco “Isko”
Moreno Domagoso na nagdeklara ng intensiyon sa pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.
Ang nasabing pahayag ay bilang pagkumpirma sa lumabas na ulat na pagsuporta ng mga elected opisyal ng Batangas kay Domagoso.
Sinabi ni Recto na mayroong sapat na training, skills, experience at leadership ang alkalde ng Maynila.
Naniniwala pa ang senador na magiging matagumpay na isang pangulo si Mayor Isko Moreno-Domagoso.