-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang mag-asawang sakay ng motorsiklo matapos mahit and run ng hinihinalang truck sa kahabaan ng National Road sa barangay Cauringan sa bayan ng Sison, Pangasinan malapit sa entry point ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Ayon kay PCPT. TEOFILO I. PETALVER III ang siyang Deputy Chief of Police ng Sison Municipal Police Station, sa kanilang imbestigasyon bandang alas 7:29 ng gabi habang ang motorsiklo na minamaneho ni Robert Gorospe Piamonte, 38-anyos , residente ng Barangay Cabaritan East sa nasabing bayan kasama ang backride nito na kanyang kinakasama na si Joanna Rose Valdez, 30-anyos, empleyado ng isang bangko at residente ng Barangay Casanfernandoan sa bayan ng Pozorrubio, ay papuntang southbound patungong bayan ng Pozorrubio nang bigla umanong nawalan ng kontrol ang drayber dahil nadaanan nito ang isang butas sa kalsada at medyo madilim sa lugar kaya natumba sila. Sa hindi inaasahang panggyayari masagasaan pa umano sila ng truck na sanhi ng kanilang kamatayan.

Sa ngayon ay wala pang makapagsabi ng eksaktong pagkakakilanlan ng sasakyan para managot ang drayber sa nangyari . Pinag aaralan na rin ang kuha ng CCTV sa lugar at inimbitahan na rin ilang mga tao na maaring maging testigo sa nangyari.

Sa kasalukuyan ay nakaburol na ang dalawa sa kanilang tahanan na kung saan humihingi ng hustisya ang kanilang mga kaanak.

Samantala, sinabi ni Petalver na hindi na bago ang mga ganitong kaso ng vehicular incident sa kanilang bayan at ang nangyaring hit in run ay itinuturing na isolated case lamang .