-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpasaklolo na ngayon ang sinuspende na mag-asawang mayor at bise-alkalde kay Secretary of Interior and Local Government Benjamin Abalos Jr na bigyang sa patas na aksyon ang political tension na nangyari sa bayan ng Bonifacio,Misamis Occidental.

Ito ang panawagan ni Tambulig,Zamboanga del Sur Mayor Charlotte Dumanjog Panal kay Abalos dahil sa isinalarawan nila na ‘political persecution’ ng provincial government sa kanilang magulang na sina Bonifacio Mayor Samson at Vice Mayor Evelyn Dumanjog na kapwa sinuspende ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal sa pamamagitan ng Sangguniang Panalalawigan.

Sinabi ni Panal na sana makaabot muli sa atensyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang usapin upang malaman nito na hindi sinunod ng Sangguniang Panlalawigan members ang kautusan ng Malakanyang na hindi magmalabis sa kanilang limitado na kapangyarihan.

Samantala,iginiit naman ni Oaminal na nakagawa umano ng kremin ang mag-asawang Dumanjog kaya sila sapilitan na ipinalabas sa loob ng munisipyo.

Katuyanan,may kaso umano sila na isinampa sa piskalya laban sa mag-asawa dahil nilabag ang kautusan na 60 days suspension order na ipinataw laban sa kanila.