Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Patay ang dalawang katao matapos masunog ang doctors residential building ng Adventist Hospital sa P-4 Barangay San Policarpio, Calbayog City.

Nakilala ang mga biktima na sila Dr. Pacifico Maypa, 60-anyos na residente ng Iloilo City, at Delie Mae Maypa, 57-anyos na nurse, taga-Ozamis City.

Kaagad namang naapula ang apoy at hindi na kumalat pa sa ibang departamento ng ospital.

Tinatayang P455,000 ang pinsala dulot ng insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Calbayog-Bureau of Fire Protection kung saan at paano nagsimula ang sunog.