LAOAG CITY – Ibinahagi ni Mr. Cris Arcilla ang nangyaring aksidente sa kanila ng kanyang asawa habang binabaybay nila ang kahabaan ng kalsada sa Brgy. Pias Sur, Currimao.
Ayon kay Arcilla, habang binabaybay nila ang nasabing daan ay kasunod nila ang isang truck.
Aniya, dahil sa truck ay hindi niya nakita ang nakalaylay na kable sa kalsada dahilan upang dineretso nito ang pagmaneho hanggang sa sumabit sa kable.
Sinabi nito na agad siyang nawalan ng balanse sa motorsiklo dahilan ng kanilang pagkatumba ng kanyang asawa at pagtamo nila ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Kaugnay nito, ipinalaam ni Arcilla na may mga pulis na nagresponde ngunit hindi naayos agad ang nakalaylay na kable.
Lahad nito na pagkalipas ng ilang minuto ay may sumunod sa kanilang naaksidente dahil pa rin sa nakalaylay na kable.
Sa ngayon, hiling ni Arcilla na matulungan sila sa pagpapagamot nga kanilang sugat lalo na sa kanyang asawang kailangan dumaan ng x-ray dahil sa ini-indang sakit sa likod.