-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isa katao at isa ang nasugatan sa pananaga sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Andong sumagat habang sugatan ang kanyang maybahay na si Susan Dumagat,mga residente ng Purok 6 Barangay New Culasi Tulunan Cotabato.

Ayon sa ulat ng Tulunan PNP,natutulog na ang mga biktima nang pumasok ang suspek na kinilalang si Ariel Moda at tinangkang gahasain ang biktimang si Susan.

Nagpumiglas si Susan dahilan para tagain ito ng suspek na tinamaan sa ulo pero nagawa pa nitong makatakbo palabas ng bahay para humingi ng tulong.

Sunod na tinaga ng suspek ang mister ni Susan gamit ang lagaraw na tinamaan sa balikat.

Nang maalarma ang mga kapitbahay ng mag-asawa ay agad tumakas ang suspek.

Ang mga sugatan ay dinala sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay si Andong habang nasa maselang kondisyon si Susan.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ang suspek na dayo lang umano sa Barangay Culasi na nakatakdang sampahan ng kasong murder at frustrated murder.