-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naghihintay na ang mga biktima ng Investment scam na Munificent Ministry na maibalik dito sa Gensan ang mag-asawang founder na sina Rolando Joseph Jr at asawa nito na si Doris Fe .

Itoy matapos mahuli sa Lumbia, Cagayan de Oro noong nagdaang araw ng mga operatiba ng Criminal Investigation ang Detection Group.

Ang mag-asawa ang nahaharap sa kasong sundicated estafa matapos tumanggap ng milyon milyong pera mula sa mga investor.

Sinabi ni NBI Sarangani District Office Head Regner Peneza na mag coordinate sa apprehending officer para maibalik dito sa lungsod ang mga nahuling suspek.

Matatandaan nuong Hunyo nitong taon nag-utos ang RTC branch 39 para hulihin ang mag-asawang Joseh, kasama sina Onofre Labrador, Brenda Labrador at Fred Labrador matapos pinatakbo ang Munificent Ministry isang ponzi scheme na may 40 % na interest.

Ang mag-asawa ang residente ng Bula nitong lungsod ang biglang umalis ng lungsod bitbit ang milyon-milyong investment at nagtago sa maraming lugar.