-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kalunos-lunos ang sinapit na pagkasawi ng limang magka-anak ng hindi makalabas na buhay sa loob nang bahay na nasusunog sa Osmeña Street,Barangay 34,Cagayan de Oro City.

Ito ang paglalahad ni Fire Insp Sam Velarde,hepe ng operations ng Bureau of Fire Protection-Cagayan de Oro patungkol sa kanilang na-respondehan na sunog nitong lungsod.

Kinilala ang mag-asawa na sina Melvin 26;Chariz Subtenente,25 at kanilang anak na si Charade Venz Subtenente,9 anyos habang kasama ang dalawang pamangkin na magkapatin na sina Shider Jed Cagampang at Seem Weird Balana na nakatira sa lugar.

Salaysay ni Velarde na nasa mahimbing umano na tulog ang mga biktima mula sa pagtitinda ng kape sa nagdaang gabi kaya hindi namalayan ang biglaang pagsiklab ng apoy nagsimula sa pangalawang palapag ng bahay.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang dahilan ng sunog habang nakaburol na ang mga labi ng mga biktima sa isang city run public funeral parlor
nitong lungsod.