-- Advertisements --

Arestado ng pulisya sa Pasig City ang mag-asawang walang habas na pinaslang ang isang walong taong gulang na batang kanilang anak.

Ito ay matapos na walang humpay na paluin ng mag-asawa ang kanilang anak sa Urban Deca Homes sa Barangay Rosario bandang ala-2:55 pm kagabi.

Sa datos ng pulisya, kinilala ang dalawa na sina, Germarc Franklin VIlladolid, 39 taong gulang, stepfather ng biktima, at Kimberly Villadolid, 29 anyos, kapwa nagtatrabao bilang call cenrter agents sa isang business process outsourcing company.

Ayon ay Pasig police chief Col. Roman Arugay, inaresto ang mag-asawa matapos na sabihin ng doktor na tumingin sa biktima na nagtamo ito ng hematoma sa mga binti at braso nang isinugod ng mga suspek sa Mission Hospiyal for medical treatment na kalauna’y binawian din ng buhay bandang 3:51 pm.

Sa interrogation ay inamin ng mga suspek na paulit-ulit nilang pinalo ng tsinelas ang biktima hanggang sa himatayin ito nang hindi nito sundin ang kanilang utos na mag-squats bilang pagdidisiplina.

Iginiit naman ng mag-asawa na sinasaktan lamang nila ang biktima sa tuwing nagpapasaway ito.

Samantala, nakatakda namang sumailalim sa autopsy examination ang mga labi ng bata upang tukuyin ang dahilan ng pagkamatay nito.

Mananatili namang nakakulong sa ilalim ng kustodiya ng Pasig City Police Station ang mag-asawang suspek.