CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga Otoridad ang mag-ama matapos masamsaman ng illegal na droga at iba pang mga drug paraphernalia sa kanilang tahanan sa isinagawang search warrant sa Brgy. Calamagui 2nd., Ilagan City.
Ang mga suspek ay sina Jethro Ballesteros at ama nito na si Ramilio Ballesteros, parehong nasa tamang edad at kapwa residente ng nabanggit na brgy.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Major Jose Torrijos, isinilbing nila ang search warrant na inilabas ni Judge Jeffrey Cabasal ng MTCC 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela sa tahanan ng mga suspek.
Nagresulta ito makarecover ang mga otoridad ng itim na na kinalalagyan ng 10 sachet ng hinihinalang shabu, isang tinuping papel na naglalaman ng hinihilang marijuana, isang rolled aluminum foil na naglalaman ng residue ng di umano’y shabu at isang piraso ng lighter.
Ilang buwan na umanong minamanmanan ng pulisya mag-ama na parehong sangkot sa illegal na aktibidad.
Iginiit naman ng isa sa mga suspek na wala umanong alam kung paano narekober ang mga droga at drug paraphernalia sa kanilang tahanan.
Aminado naman si Jethro Ballesteros na gumagamit ng ipinagbabawal na droga ngunit matagal na siyang tumigil dahil abala siya sa pag-aalaga sa kanyang ama na may diabetes.
Paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kasong kinakaharap ngayon ng mag-amang suspek.