-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ng panibagong dance music album sa susunod na taon ang legendary singer na si Madonna.
Sinabi ng 67-anyos na singer na nakabalik na ito sa Warner Records label na siyang nasa likod ng mga kanta gaya ng “Like A Virgin” at “Holiday”.
Umalis siya sa Warner noong 2007 matapos na makakuha ng malaking kontrata sa Live Nation records.
Ang nasabing bagong album ay siyang unang studio record ng singer sa loob ng pitong taon.
Taong 2008 ng mahirang ang singer sa Rock & Roll Hall of Fame kung saan nakabenta ito ng mahigit na 400 milyon na records sa buong mundo.