-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang beteranang singer na si Madonna sa kaniyang mga fans matapos na mabatikos sa kaniyang concert.

Kasunod ito sa pagpipilit niya sa isang fan nito na pinapatayo gamit ang wheelchair.

Naganap ang insidente sa concert nito sa Los Angeles nitong Marso 9 kung saan nakita niya ang isang lalaki na hindi nakatayo habang ang karamihan ay nakatayo.

Dito ay tinawag niya ng pansin ang lalaki at pilit na pinapatayo.

Matapos ang pagkalat ng nasabing video ay umani ito ng batikos.

Pahayag ng singer na wala siyang ideya na pilay pala ang nasabing singer.