Kinansela ng legendary singer Madonna ang mga nakatakdang concert nito dahil sa dinaramdaman na sakit.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ng singer na pinayuhan siya ng kaniyang doctor na mamahinga muna.

Kaniya aniya itong susundin para ito ay makabalik agad sa paggawa ng concert at musika.

Hindi naman na binanggit pa nito ang nasabing sakit.

Magugunitang sinimulan na ng singer ang kaniyang serye ng mga konsiyerto para sa promosyon ng kaniyang ika-14 studio album na Madame X na inilabas noong Hunyo 2019.