-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamilya ni Stanley Ho o mas tanyag bilang ‘Casino Kingpin’ ang pagkamatay nito ngayong araw sa edad na 98.

Si Ho ang nagtayo ng casino empire sa Chinese territory ng Macau sa pamamagitan ng kaniyang flagship firm na SJM Holdings.

Bago ito bumaba bilang chairman ng nasabing kumpanya noong 2018 ay hinati-hati ni Ho ang kaniyang empire sa 17 anak nito mula sa apat na asawa.

Tinatayang aabot ng $6.4 billion o halos P318 billion ang kabuuang yaman nito.

Taong 2005 naman ng dalhin ng Macau gambling magnate ang kaniyang floating casino sa Manila Bay.