Mapapabilis na raw ang pagresolba ngayon ng mga kasong may kinalaman sa agraryo.
Sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III na kukuha kasi sila ng karagdagang mga abogado upang mapabilis ang pagresolba ng agrarian cases.
Aminado si Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, na kulang ang kanilang mga abogado para i-review ang lahat ng nakabinbin na kaso sa ilalim ng DAR Adjudication Board at Agrarian Law Implementation.
Mula noong 1988 hanggang June 2022, nakatanggap ang DAR Adjudication Board at Agrarian Law ng kabuuang 640,807 caseloads.
Mula sa nasabing bilang, may 638,445 cases ang naresolba na at may naiwan pang pang balanse na 2,362 cases na nakabinbing kaso.
Sabi pa ni Estrella, napakahirap kumuha ng competent at topnotch lawyers na tutulong sa DAR sa pagresolba ng pending cases.
Kabilang sa kanilang plano ang gumawa ng scrap and build scheme.Ito ay ang pag-abolish ng mga bakanteng posisyon upang bumuo ng mga kinakailangang posisyon para makapag-alok ng mas malaking suweldo para sa mga abogado.