-- Advertisements --
Asahan na ang mabigat daloy ng trapiko sa South Luzon Expressway o SLEX ngayong holiday season partikular na umano sa North at Southbound ng SLEX sa San Pedro exit.
Ayon sa pamunuan ng SLEX, may ginagawa kasi na ilang bahagi ng highway kaya sumisikip.
Bumper to bumper naman ang daloy ng trapiko sa silangang exit dahil kinukumpuning bahagi ng kalsada.
Tiniyak naman ng pamunuan ng NLEX at SLEX na handa sila sa buhos ng mga motorista ngayong kapaskuhan.
Kasabay nito, muli nilang hinikayat ang mga motorista na magpakabit ng RFID sticker para sa mas mabilis na pagbabyahe.