-- Advertisements --
NLEX TOLL

Nakapagtala ng light to heavy traffic ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX), at South Luzon Expressway (SLEX) ngayong Huwebes Santo.

Sa isang pahayag ay iniulat ng pamunuan nito na nakapagtala ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Carmona area at Majada Bridge sa SLEX.

Habang light traffic naman ang naranasan sa bahagi ng Alabang – Sto. Tomas northbound at southbound.

Samantala, bukod dito ay iniulat naman ng NLEX Corporation na tinatayang aabot sa humigit-kumulang lima hanggang sampung kilometro kada oras ang naitalang running speed nang dahil sa pagdami ng bilang ng mga sasakyang tumahak mula Cloverleaf hanggang NLEX Harbor Link Interchange Northbound.

Tinatayang nasa humigit-kumulang 10 kilometers per hour hanggang 30 kilometers per hour naman ang naitalang running speed mula Valenzuela Interchange hanggang Petron Marilao Northbound nang dahil din sa pagtaas ng bilang ng mga sasakyan.

Ayon sa mga kinauukulan, nang dahil sa pagdami ng bilang ng mga sasakyan mula Petron Marilao hanggang Bocaue Northbound, Bocaue hanggang Sta. Rita Northbound, Pulilan hanggang Mexico Lakeshore Northbound, at Mexico Lakeshore hanggang Balem Northbound ay inaasahang makakaranas ng nasa humigit 20 hanggang 40 kilometers per hour na running speed ang mga motorista.