-- Advertisements --

Problemado ngayon ang Department of Education (DepEd) dahil sa kulang ang bilang ng mga guidance counselors sa mga pampublikong paaralan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, nahihirapan ang DepEd sa pag-recruit ng mga professional guidance counselors dahil sa mababang bayad sa kanila at
ilang minimum health requirement tulad ng masters’ degree.

Ayon kay San Antonio, bagama’t naging agresibo ang pamahalaan sa pagbubukas ng items o oportunidad para sa mga professional guidance counselors, kulang o kakaunti lamang ang nag-apply sa posisyon na ito.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya ang DepEd sa Department of Budget and Management at Civil Service Commission para masolusyunan ang issue naman sa compensation.

Nauna nang hinimok ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang Kongreso na taasan ang sahod ng mga entry-level guidance counselors ng P13,000 o mula sa P23,877 ay gagawin nang P36,628.