-- Advertisements --

Kinwestiyon ni AAMBIS -OWA Partyist Rep Sharon Garin ang sobrang babang alokasyon ng COVID-19 vaccine sa Western Visayas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Garin, sinabi nito na dapat magpaliwanag ang Malacanang sa umano’y hindi pa rin patas na paghati-hati ng bakuna sa buong bansa.

Ayon kay Garin, isa ang Iloilo Province sa mga lugar sa buong Pilipinas na may mababang porsyento na mga fully vaccinated na mga indibidwal.

Umaasa rin ang mambabatas na kaagad na tugunan ng gobyerno ang nasabing problema lalo na’t patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Iloilo.