Naniniwala ang OCTA Research group na maaari pa ring mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa Metro Manila dulot ng Delta variant.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng maagang intervention ng gobyerno.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA, dapat pagtuunan na ito ng pansin ng pamahalaan habang nasa early stage pa ang kalakhang Maynila sa pagtaas ng COVID-19 cases.
Sinabi ni David kapag hindi ito matututukan, maaari itong kumalat pa ng mas maraming kaso kahalintulad sa surge na naranasan noong buwan ng Marso at Abril.
Ang Valenzuela City ay mayroong 1.61 highest reproduction number o may mataas na bilang ng mga indibidwal na infected ng COVID-19 virus, sinundan ito ng Maynila na may 1.43.
Binigyang-diin ni David na ang pagsailalim sa Metro Manila sa general community quarantine with heightened restrictions at ang pagbawal sa mga batang may edad limang hanggang 17-anyos na lumabas ng bahay.
Dagdag pa ni David na ang pagpapatupad ng curfew, istriktong border control at fully-vaccinated individuals ay malaking tulong din sa pag-mitigate sa surge ng COVID-19.