ROXAS CITY – Patay ang isang lupon member ng Barangay Canapian, Maayon, Capiz matapos itong barilin.

Kinilala ang biktima na si Freddie Doce ng nasabing lugar habang hindi natutukoy ang suspek.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas sa isang Jr Talabador, sinabi nitong nagulantang sila nang makarining ng sunod sunod na putok ng baril.

Dahil dito ay lumabas si Talabador at nakita niyang duguan ang nakaupong biktima na humihingi ng tulong.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Ngunit pagkaraan ng ilang oras na gamutan ay binawian din ito ng buhay.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.