-- Advertisements --

Panalo ang Dallas Mavericks kontra sa katunggali nitong Brooklyn Nets sa kalamangan na 4 points sa pagtatapos sa overtime time game, 129-125.

Nagbuhos ang Slovenian player na si Luka Doncic ng malaking diskarte na umabot sa 41 points, 11 rebounds at 14 para makuha nila ang panalo na naging susi ang kanyang all-around game.

Habang nabalewala naman ang ipinasok na 39 points, seven rebounds at four assists ng Brooklyn superstar na si Kyrie Irving.
Nalasap kasi ng kanilang koponan ang kanilang ika-apat na talo mula ng magsimula ang bagong NBA season.

Samantala sa ibang game, pinahiya naman ng Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Clippers sa kabuuang score na 118-110.

Una rito, ang Clippers at Oklahoma City Thunder ay parehong mayroon ng standing na 2-3 record. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)