-- Advertisements --
image 76

Isang linggo simula opisyal na mag-umpisa ang FIBA Basketball World Cup 2023, nagtala si Luka Doncic bilang unang player na kumamada ng 100 pts.

Ang Dallas Mavericks star ang nagsisilbing lider ng Team Slovenia na pumasok na sa ikalawang elimination round.

Sa pagtatapos ng mga laro kahapon, kumamada na si Doncic ng 109 points, at siya pa lamang ang player na nakakagawa nito sa kasalukuyang turneyo.

Samantala, sunod naman sa kanya si Minnesota at Dominican Republic big man Karl Anthony Towns na mayroon nang 97.

Pangatlo si Utah Jazz at Team Philippines Shooting guard Jordan Clarkson na mayroon nang 96 points.

Kapwa nagtala naman ng 92 points ang dalawang NBA player na sina Lauri Makkanen at Rondae hollis Jefferson.

Si Markkanen ay kumakatawan sa Finland habang naglalaro sa ilalim ng team Jordan si Jefferson.

Batay sa pinakahuling power ranking ng FIBA, maaaring si Luka Doncic ang maging MVP sa nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup 2023.