-- Advertisements --
image 334

Kampante ang pamunuan ng Land Transportation Office na mas lalong matututukan ang mga nangyayaring insidente ng road rage, ngayon ay nakipag-partner na ito sa PNP Highway Patrol group.

LTO Chief Vigor Mendoza, mas matututukan na nila ang profile ng mga tsuper, lalo na ang mga indibidwal na nag-aaply ng lisensya.

Sa tulong kasi ng HPG, naniniwala ang LTO na matutukoy nila ang mga tsuper o mga applikante na ‘deserving’ na mabigyan ng lisensya.

Maalaalng una nang sinabi ng LTO na nakipag-partner ito sa PNP HPG sa kagustuhang matugunan ang mga nangyayaring pagwawala sa mga kalsada na kinasasangkutan ng mga motorsista.

Nais aniya ng LTO na makabuo ng maayos na database na siyang magagamit sa naturang hakbang.