-- Advertisements --
Nais ng Land Transportation Office (LTO) na ilagay sa ilang malls ang pag-claimed ng mga licensed plates.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza III na sa ganitong paraan ay mapapabilis ang bilang ng mga unclaimed na plaka ng mga sasakyan.
Nakabantay din aniya sila sa ilang opisina dahil sa ulat na mayroong ilang empleyado nila na humihinga ng pera para sa mabilisang paglabas ng mga plaka ng sasakyan.
Magugunitang may ilang LTO offices sa bansa ang natatambakan ng plaka ng mga sasakyan dahil sa kakulangan ng pagpapakalat ng pagbibigay ng impormasyon.