
Pinalawig pa ng Land Transportation Office ang validity ng lahat ng mga driver’s license sa bansa na malapit na magpaso hanggang Abril 24, 2023.
Ito ay sa gitna ng nararanasang kakulangan ng ahensya sa mga plastic cards na pangunahing ginagamit para sa paggawa ng driver’s license.
Sa isang memorandum circular ng nasabing kagawaran ay epektibo hanggang Oktubre 31, 2023 ay pinapalawig pa ang validity ng lahat ng mga driver’s license sa bansa o hanggang sa mga sandaling makabili na ang DOTr ng license card, alinman ang mauna.
Bukod dito ay tatanggalin din ng ahensya ang lahat ng mga penalties para sa mga late renewal transactions.
Kaugnay nito ay ipinahayag din ng Department of Transportation (DOTr) na sinisikap nilang bilhin ang bahagi ng kabuuang volume na kailangan ng LTO habang nakabinbin ang pagsusuri ng Bids and Awards Committee sa terms of reference na isinumite noong Marso.
Samantala, binigyang diin naman ni LTO na dapat kilalanin ng mga Law Enforcement Service at LTO-deputized agents ang lahat ng mga lisensyang subject sa naturang kautusan.
Habang ang lahat naman anila ng matitirang supply ng plastic cards ay irereserba ng ahensya para sa mga overseas Filipino workers.










