Nagpaliwanag ang Land Transportation Office (LTO) National Capital Region (NCR) matapos kwestyunin ng Commission on Audit (COA) ang ginastos ng tanggapan pambili ng higit 60 cellphone at gadget noong 2018.

Ayon sa LTO-NCR property section, bahagi ng kanilang annual procurement mula 2015 ang 63 unit ng cellphone.

Itinuloy daw nila ang procurement ng mga bagong cellphone dahil may ilang dating opisyal at kawani ng tanggapan ang bigo ng ibalik ang cellphones na pinagamit sa kanila habang nanunungkulan sa NCR office.

“The grant of cellular phones, tablets in LTO-NCR and postpaid mobile cellular phone units in LTO-Region IV-A—for the same purpose and objective considering serviceability status of existing units and corresponding issuance of more than one unit to an individual as well as to an individual holding the position lower than Division Chief rank—are deemed excessive and unnecessary pursuant to the provision of the above-stated COA Circular.”