-- Advertisements --
Magpapatupad ang Land Transportation Office (LTO) ng heighten alert sa Marso 31 bilang paghahanda sa Semana Santa.
Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade na ipapatupad nila ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.” para matiyak na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Ilan sa mga gagawin nila ay ang random drug testing sa mga drivers ng pampasaherong sasakyan ganun din ang pag-alalay nila sa mga pasahero.
Nakahanda na rin ang mga tauhan nila mula sa iba’t-ibang rehiyon na nakakalat sa kalsada para matiyak na ligtas ang pagbiyahe ng publiko.
Hiniling nito sa publiko lalo na sa driver ng pribadong sasakyan na sumunod sa ipinapatupad na batas trapiko para maging ligtas ang paggunita ng Semana Santa.