-- Advertisements --
Buong puwersa ang ibibgay ng Land Transportation Office (LTO) para matiyak ang seguridad sa kalsada at mabantayan ang lagay ng trapiko habang ginaganap ang FIBA Basketball World Cup sa bansa.
Sinabi ni LTO Chairman Vigor Mendoza na nakatuon ang kanilang deployment sa mga kalsada patungo at mula sa tatlong venue gaya ng Araneta Coliseum sa Quezon City, Mall of Asia Arena sa Pasay City at Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Mayroon mahigpit na ugnayan sila sa mga iba’t-ibang ahensiya para sa maging matagumpay ang nasabing torneo sa bansa.
Naka-standby ng 24-oras ang kanilang tauhan hanggang matapos ang FIBA World Cup sa Setyembre 10.