Uumpisahan nang mag-issue ng 10-year license validity ang lahat ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR) bukas, Nobyembre 3.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni LTO Asec. Edgar Galvante na ang tanging mga drivers na walang violations lamang ang maaaring mag-apply ng lisensya na may 10 taong validity.
Aniya, kailangan din na sumailalim ang mga aplikante sa refresher seminar at exam na binubuo ng 25 na mga tanong patungkol sa mga traffic rules and regulations, traffic signs and symbols at road courtesy.
Nagpaalala naman si Galvante na bukas sa publiko ang LTO drivers education center at libre ang mga seminars na isinasagawa dito.
Hinikayat din niya ang mga aplikante na maaari silang mag access sa LTO portal online (portal.lto.gov.ph).
Matatandaan na noong Oktubre 28, a2021 sinimulan ang unang pagpapatupad ng renewal ng driver’s license na ginanap sa Central Office-Licensing Section ng Quezon City Licensing Center. (Marlene Padiernos)