Reading Time: 1 minute

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) na sa susunod na taon ay mailalabas na ang plaka ng mga sasakyan na pinarehistro bago ang administrasyong Duterte.

Sa isang panayam sinabi ni LTO chief Edgar Galvante, posibleng kalagitnaan ng 2020 ay maire-release na nila ang licensed plates mula 2014 hanggang June 30, 2016.

Aminado ang opisyal na nakaapekto ang problema sa supply ng mga materyales sa paggawa ng plaka kaya naurong ang dapat na release nito ngayong taon.

Batay sa datos ng LTO, nasa 5.8-milyong plaka ng sasakyan at 2.5-milyong plaka ng motorsiklo ang backlog sa ng licensed plates mula 2014.