Isusulong ng Land Transportation Office (LTO) ang paglikha ng isang special law na malinaw na tumutukoy at nagpaparusa sa mga insidente ng road rage.
Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na ang ahensya ay gumagawa ng pag-aaral sa kahulugan ng road rage at mga parusa na maaaring ipataw, na binanggit na ang kasalukuyang mga parusa ay “prohibitive” lalo na kapag ang mga insidente ay hindi nagreresulta sa kamatayan o pinsala.
Aniya, hindi maaaring magpataw ng penalty na mas mataas sa apat na taon, suspension o revocation dahil ang apat na taon na parusa ay kung may namatay o napinsala sa insidente.
Kapag tapos na aniya ang pag-aaral, imumungkahi ng LTO sa Kongreso na gumawa ng batas na tumutukoy at nagpaparusa sa road rage.
Maaalalang nag-viral sa social media ang ilang road rage incidents na kung saan isa sa mga ito na kinasasangkutan ng isang dating pulis, sa Quezon City at Valenzuela City noong nakaraang buwan.
Inaksyunan ng LTO ang mga insidenteng ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng show-cause order sa mga driver na sangkot sa naturang road rage.
Sa isang pagtatanong noong nakaraang linggo, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat gumawa ng isang special sa road rage incidents upang matiyak ang proteksyon ng mga driver, motorista at ng riding public.