-- Advertisements --
Ipinatawag ni Land and Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza ang opisyal ng kaniyang ahensiya sa Bulacan dahil sa pakikipag-alitan sa kalsada.
Sinabi ni Mendoza na kaniyang inatasan ang LTO Region 3 na mag-imbestiga laban kay Gregorio Glean ang LTO Administrative aide sa San Jose Del Monte Bulacan.
Nasangkot si Glean matapos na makaalitan ang isang delivery rider kung saan sinira pa nito ang cellphone ng rider.
Nakitaan pa ito ng siya ay armado ng baril kaya hindi na niya nagawang habulin pa.
Dagdag pa ni Mendoza na kahit nagkaayos na ang dalawa sa PNP ay hindi pa rin ito lusot sa gagawing imbetigasyon ng kaniyang opisina.