-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang mga akusasyon ng korupsiyon at pagsira sa tiwala ng publiko.

Ang naturang mga alegasyon laban sa LO chief ay nag-ugat sa magkahiwalay na sulat mula sa ilang mga grupo, kung saan ang isa ay mula sa Coalition of Good Governance habang ang isa naman ay galing sa Federated Land Transport Organizations of the Philippines, Konsumo Pinas, Magtulungan tayo, Philippine Transport Monitor, Samahan ng Kabataan para sa Kabuluhang Pagbabago, at Kamalaya Consumer Cooperative.

Paliwanag ng LTO chief na lahat umano ng mga alergasyon sa paid advertisement ay walang katotohanan at pawang pagtatangka lamang na i-mislead at i-misinform ang publiko sa anumang mga kadahilanan o personal agenda na mayroon sila.

Aniya, sa ilalim ng kaniyang pamamahala at base sa direktiba ni PBBM at DOTr Sec. Jaime Bautista, ang system glitches sa lahat ng LTO digital transaction ay dapat na maayos na matugunan sa pamamagitan ng consolidation at paglilipat sa bagong iT provider na kinontrata ng pamahalaan.

Tinutukoy ng LTO chief ang claim ng ikalawang grupo na hindi umano siya nag-isyu ng memorandum para hayaang magpatuloy ang Land Transport Mangement System.

Inakusahan rin si Mendoza ng hindi pag-decommission sa dating LTO IT system na nagresulta umano sa patuloy na pagbabayad ng fees ng publiko sa nakalipas na IT provider.

Subalit, ayon sa LTO chief sa pamamagitan aniya ng pagsusumikap ng IT experts, naproseso na ang 97% ng lahat ng vehicle transaction habang mayroon ng 100% na driver’s license transactions.

Sa huli, sinabi ni Mendoza na hindi matitinag ang LTO sa paggampan ng tungkulin nito sa kabila ng mga walang basehang alegasyon. (With reports from Bombo Everly Rico)