Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga public utility vehicle (PUV) operators na sundin ang batas laban sa gender-based sexual harassment.
Sa memorandum na inilabas na Memorandum Circular 2023-016 na pinapatiyak nila sa lahat ng tsuper at operators na wala dapat nararanasang panghaharass ang sinumang pasahero ng pampublikong sasakayn dahil lamang sa kanilang kasarian.
Sakop din dito ang mga tsuper ng nabigyan ng Certificate of Public Convenience (CPC), Provisional Authority (PA) o Special Permits ng LTFRB; kabilang ang kanilang mga tsuper, konduktor, at empleyado, maliban na lamang ang mga serbisyo ng Truck-for-Hire (TH).
Nakasaad kasi sa Republic Act 11313 o ang “Safe Spaces Act,” ay tugon upang labanan at bigyan ng karampatang parusa ang anumang “gender-based sexual harassment” sa mga lansangan, pampublikong lugar, online, lugar ng trabaho, at maging ang mga institusyong ginagamit sa edukasyon at pagsasanay.
Mahaharap sa multang P5,000 ang mga mairereklamong tsuper at maaring masuspendi ang kanilang mga prankisa.
Umaasa si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na walang mga tsuper ang mairereklamo dahil hindi sila magdadalawang isip na tanggalang ng prankisa ang mga ito.