-- Advertisements --

Binalaan ng the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko sa mga private vehicle drivers na nagpapanggap na transportatioin network vehicle service (TNVS).

Ayon sa LTFRB na nakatanggap sila ng mga ulat na mayroong mga private car drivers na nagpapanggap na TNVS subalit naniningil ng labis kumpara sa mga legal na TNVS drivers.

Kasama ng Land Transportation Office ay mayroong na silang pinatawag na ilang private drivers na inireklamo dahil sa pagkuha ng pasahero kahit walang prankisa na pumasada.

Mahgpit din aniya ang pagbabala ng LTFRB sa mga private vehicle owners na mayroong karampatang parusa silang kakaharapin kapag ginamit nilang pampasada ang kanilang sasakyan na walang kaukulang prankisa.