-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon sa panawagan na bus fare hike sa susunod na linggo.

Dahilan ng pagkaantala ng ang position paper na ilalabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa August 17.

Ayon kay LTFRB chairperson Cheloy Garafil, sa oras na maisumite ng NEDA sa miyerkules ito, ang naturang case ay isusumite para sa resolution kung kayat wala ng isasagawa na pagdinig.

Batid din ng LTFRB official angmataas na presyo ng mga produktong petrolyo mula ng huling nagtaas ng pamasahe sa mga bus gayundin ang impact nito para sa mga pasahero kung kayat nagiging maingat aniya sa pagdedesisyon sa naturang usapin.

Magugunita na nanawagan ang citu bus operators para sa p4 hanggang P7 fare hike para sa unang limang kilometro.

Huling nagpatupad ng taas sa singil sa pamasahe noon pang taong 2018.