-- Advertisements --

May ilang hiling pa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na karagdagang dokumento para maisapinal ang kanilang desisyon kung aaprubahan nila ang hiling ng transport group na dagdag singil sa pamasahe.

Sinabi ni Atty. Robert Peig, ang executive director ng LTFRB, na kanilang ibinasura nitong Martes ang petisyon ng ilang transport group na dagdag P1 sa pamasahe.

Hindi naman na ito nagbigay pa ng anumang detalye sa dokumentong hinahanap.

Maari aniya sa susunod na linggo ay maisusumite na ng mga transport group ang hinahanap nilang dokumento.

Magugunitang ilang mga transport group gaya ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, at Alliance of Concerned Transport Organization ang humirit na P5.00 na dagdag pasahe sa minimum fare at karagdagang P1.00 naman sa kada kilometro.

Ang nasabing hirit aniya na dagdag pasahe ay dahil sa ilang linggong pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa.