-- Advertisements --
Agad na tututukan ng bagong talagang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz ang tumitinding trapiko sa kalsada.
Sinabi nito na isang malaking hamon ang matagal ng problema ang public transport sa bansa.
Pagtitiyak nito na sa kaniyang pamumuno ay magbibigay ito ng suhestiyon para sa ikakabuti ng pampublikong transportasyon sa bansa.
Ito na ang pangatlong posisyon na hinawakan ni Guadiz sa loob lamang ng anim na buwan kung saan una ay itinalaga siyang mamuno sa Land Transportation Office (LTO) noong Hulyo at naitalaga bilang assistant secretary for road transport and infrastructure sa ilalim ng Department of Transportation noong Nobyembre.










