Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ng hanggang Setyembre 2023 ang mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers para makapagbayad ng kanilang bagong fare matrix.
Ito ang lamang ng inilabas na Board Resolution No. 173, na nagbibigay ng dalawang options ang mga drivers para mabayaran ang kanilang matrix.
Ang unang options ay ang directang pagbayad h abang ang pangalawa ay dapat mabayaran ng hanggang Setyembre 30, 2023.
Nakasaad din sa nasabing resolution ang pagtanggal ng P40 na ‘franchise verification fee” para sa mga pagproseso ng mga matrix.
Nauna ng sinabi ng LTFRB na mayroong 36 percent lamang sa mga PUV drivers ang nakapag-apply ng bagong fare matrix.
Mahigpit din ang bilin ng LTFRB na hindi maaring makasingil ang mga drivers ng bagong taas pasahe hanggang wala silang bagong fare matrix.