Tiniyak ni Marine Lt Col. Ferdinand Marcelino na hindi siya tatanggi sa ipag-uutos ng commander in chief ngayong laya na siya.

Sinabi ni Marcelino na bilang isang sundalo handa itong sumunod sa kaniyang mga lider lalo pa sa kaniyang commander-in-chief.

Inihayag din nito na sakaling alukin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang kampanya sa iligal na droga hindi niya ito tatanggihan.

Tugon pa ni Marcelino na sino siya para tumanggi.

Giit nito na isa siyang sundalo, nakulong man dahil sa maling paratang ay hindi nito nabasag ang alab ng damdamin at pagnanais niyang ipagpatuloy ang pagsi serbisyo sa bayan.

Sa ngayon ayon kay Marcelino na wala sa kaniyang plano na gantihan ang mga taong nagdiin sa kaniya.