CEBU CITY – Nagbigay na ng go signal ang Department of Intrtior and Local Government Region 7 (DILG-7) sa mga locally stranded individuals (LSIs) na makabiyahe na patungo sa mga lugar na nasa general community quarantine at modified general community quarantine (MGCQ).
Kaugnay nito, umapela ang DILG-7 sa mga local government ng Cebu na tiyaking kumpleto ang mga papeles ng mga LSIs dahil kung hindi ay hindi ito papayagang makapasok sa mga daungan.
Kinailangang siguraduhin ng mga LSIs na nakahanda na ang mga travel documents bago magtungo sa daungan at upang maiwasan ding mastranded doon.
Kabilang pa sa mga dokumentong ipresenta pagpasok sa entrance ng Pier 1 at 3 ay ang medical certificate na inisyu ng health officer sa lungsod o munisipalidad kung saan ito nanggaling, travel authority mula sa Philippine National Police, Letter of Acceptance sa local chief executive ng patutunguhan, boat ticket at valid ID ng pasahero.