-- Advertisements --

Magbubukas ng partial operations ang LRT-2 ngayong umaga.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) magkakaroon ng partial operations mula Cubao at Recto.

Sinabi ni LRTA spokesperson Reynaldo Berroya, dumaan muna sa matinding safety checks at ng makumpleto ay pinayagan nila ang panunumbalik.

Magsisimula mula 6 a.m. at magsasara naman sa 8:30 p.m. ang Cubao station habang 9 p.m. naman ang Recto station.

Nanawagan ang LRTA na tiisin muna ang limitadong bilis at ilang bilang ng bagon na gagamitin sa pagbabalik ng operasyon.