-- Advertisements --
Maglalaan ng libreng sakay para sa mga kababaihan ang Light Rail Transit o LRT 2 ngayong araw, Marso 8.
May kaugnayan ito sa pagdiriwang ng International Women’s Day.
Magsisimula ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at babalik ito ng alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ang first trip ng LRT-2 sa Recto Station sa Antipolo ay simula ng alas-5 ng umaga at ang las trip ay aalis sa Recto Station ng alas-9:30 ng gabi.